Saturday, September 12, 2009

sisig hunt: aftermath

I don't want to sound cliche by saying that my marginal utility for sisig around UST has gone negative...

...but apparently thats the case...

halos magiisang buwan na kong di kumakain ng sisig sa may uste.. either umuuwi na ko ng maaga.. or nag-eexplore ako around UST...

siguro dahil rin sa ulan kaya di ako kumakain sa tootz o almer's lately... pero I dunno... mas may panahon na ko maglaro ng guitar hero: world tour sa corner ng p nov at ng dapitan keysa sa sisig...

napansin ko na medyo Darren Aronofsky's Requiem For A Dream ang nangyari sa affair ko with sisig... sa una eh sobrang enjoy ako.. at pakiramdam ko eh this will be the best thing ever at tatagal siya hanggang umalis ako ng uste... pero habang tumatagal.. wala nang ngiti sa aking muka pag umaalis sa establishimento ng mga kainan ng sisig.. naiinis na ko pag napupuno ang aking tiyan.. at di na ko ganun ka-atat habang nasa pila ng tootz o naghihintay ng order sa almer's

law of diminishing marginal utility nga...

kaya lately.. mga Wendy's burger ang iniibig ko... lalo na yung quarter pounder nila.. pero 145 pesos.. compared sa singkwentang binabayad ko sa tootz o almer's.. pero natuto na ko... alam kong balang araw di na ko ganun ka-satisfied at high pag nakatapos ako ng isang burger ng Wendy's..

matutulad rin ito sa lost love ko for:
 - DQ Oreo Blizzards
 - Lucky Me Sweet and Spicy Pancit Canton
 - McDonald's Double Cheeseburger Deluxe
 - siomai
 - McDonald's Chicken Fillet McSavers Meal
 - McDonald's Sausage McMuffin with Egg
 - Clover Chips

kaya kelangan kong masubukan ang Baconator habang binebenta pa siya

at the end of it all.. there's still hope.. na baka bumalik ang pagkawili ko sa mga sisig ng uste.. subalit maaring hindi ito katulad ng bliss ng first love ko sa sisig...

1 comment:

obedodo . said...

may kulang sa list mo! Jjamppong. :))