Friday, July 25, 2008

candyface


artistahin... yan si Gesmund.. mas gwapo pag b&w(although di naman talaga black & white yan.. siguro white with a hint of red?)

kung may pagkakataon lang na makagawa ako ng pelikula eh sya kukunin kong main character.. ang problema lang eh di ko alam ang gagawin nya... kasi maganda na yang photo na yan eh.. whateber

I don't feel inspired.. or baka binabagabag lang talaga ako ng mga projects at ng nalalapit na admission test sa peyups.. pero ayos lang yan.. come what may.. ayaw naman ng magulang ko maging NPA ako eh.. siguro susuungin ko na nga lang talaga ang streets of Manila sa kolehiyo.. pero ayos rin 'teneo ha.. mahal nga lang.. at allergic ako sa mga nilalang sa kahabaan ng Katipunan.. except yung mga sekyu ng bangko.. at least sila pag kinakausap ako di inggles.. naiirita talaga ko sa mga taong iniinggles ako pag di ko kelangan.. tatanongin mo ng tagalog tas sasagutin ka ng inggles! pakshet.. batukan ko sila eh.. pero oy.. marunong naman ako mag-inggles ha.. at proud ako sa mastery ng karamihan ng pinoy sa inggles.. salamat sa mga nagsulputang call centers.. siguro dun na lang ako magtratrabaho kung Philo man ang maging kurso ko sa kolehiyo.. mukang mas mataas naman ang sweldo ng mga nilalang dun keysa mag-titser.. pero umiiksi mga life spans ng mga nagcacall center eh.. ayaw ko pa naman sa mga bagay na nagpapaikli ng life span ko.. uy! lupet na idea yun para sa isang statistical study ha! tingnan kung may relasyon ang pagtratrabaho sa call center sa pag-baba ng life expectancy ng isang tao.. pero matagal pa resluts nun.. pero it would be very benificial to the public.. lalo na sa mga taong magaling mag inggles at ayaw ipamahagi ang kanilang talento sa mga public school students.. ay tama na nga

nahalata nyo ba na papunta kung saan saan yung huling paragraph ko.. anlupet ng segue sa bawat topic eh.. kung di ko pinigilan sarili ko baka halos lahat na ng mga topic na pwede kong mapagusapan ay mapagusapan ko eh.. pero we need to practice moderation.. nakakamatay ang sobra.. ay ayan nanaman po tayo!

naiirita talaga ako sa mga taong nag-iiscarf.. lalo na yung Muslim-esque na scarf na sinusuot ng ibang taga-beda kanina nung integration.. parang.. hello? nasa pilipinas tayo.. ulan at araw lang ang nararanasan natin.. di natin kelangan ng ganyang churva.. at ayun ay kung sa practical standpoint natin titingnan.. pero in a fashion churva standpoint.. I think it looks hideous.. pero I think it makes ones shoulders look bigger.. sooooo muka namang maganda.. siguro.. pero baka sabihin nyo naman eh nagiging hypocrite ako kasi kahit ako nagsusuot ng scarf.. pero iba naman ang scarf na sinusuot ko.. yung scarf naman ng Beda yun.. yung pang football.. at minsan ko lang yun suotin.. pero I tend to contradict myself.. kaya di na maiiwasan yun..

I miss my Hengeropolis/eatmehenger/summer na tuli ka na ba? blog.. parang mas maganda ang blogging dun.. pero ang maganda dito ay wider ang fan base ko.. dati isa o dalawa lang ang bumibisita sa blag ko.. pero dito.. tatlo na!!! isang himala!!! at take note ha.. sa network ko lang 'to pinapublish.. kung dati eh isa o dalawa lang nagbabasa..

pag may bago akong paragraph.. ibig sabihin ay naputol or pinutol ko ang train of though ko.. yehey

the more I read my blog.. the more I miss it.. parang pati ako natutuwa ako sa mga pinagsusulat ko eh.. ngayon I'm just a whiny adolescent who doesn't know how to use punctuation marks.. andami ko talagang storya na nasisimulaan at di natatapos.. kamiss talaga blag ko.. eh kung mag-post ulet ako dun? pero may hiatus post ako dun eh.. yung "sumatotal".. pero ewan.. check nyo nga kung dapat kong ituloy ang mga blog entries ko sa http://eatmehenger.blogspot.com
...

walang kwenta yung integration ngayon.. may special child kasi kaming integrant eh.. tas sinunod ng mga integrants yung sinabi ko sa kanila na "pagkarating nyo sa stage.. wag kayong gagalaw! tayo lang kayo sa tabi at hintaying magsabi si Manaois na "thank you 4-40""... tae.. ang iksi kasi eh.. tableau nga pero parang instant poof! tableau.. ganda talaga pag presentation.. at may himala na nangyari kanina eh.. biglang umaraw nung washout na.. yun talaga nakakatuwa eh.. pero anyway.. it's not a nice way to finish my high school life.. kung pwede lang ako magparepeat para mag-integration ulet gagawin ko eh...

eat fish chips

8 comments:

Lemon R said...

Pinasaya mo nanaman ako Kenneth. :))

obedodo . said...

alam mo. we were thinking that we should talk to the third year rep and tell him that we should have a washout sa send-off natin. :)

wouldn't that be nice?

Lemon R said...

Uy Daniel maganda yan. Isang malupit na washout ng mga kalokohan ng high school bago pumanik ng college!

Kenneth Francis Fernandez said...

pero what would the washout signify? kung yung sa integration eh parang baptismal churva.. eh ano sa send off??

Lemon R said...

As I've said, parang baptismal ulit - for college nga lang. Para bang confirmation. :D HAHAHA, THEOLOGY!

Gesmund Ballecer said...

ampogi ko noh? hahaha/

Paolo Chua said...

I crush you. Haha.

Paolo Chua said...

I spoke to you in Tagalog but you asked me a question in English. Hmm. Plus Chadwick owns all of the Muslim-esque scarves. I'd buy a high fashion scarf but I don't have P15,000 right now. Sosyal! Haha. Kenneeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeth!