Wednesday, September 16, 2009

burmalunch

pinipilit ko si claudia carbonell na pumunta sa museum kanina para makausap siya ni eduardo gaspar ng masinsinan...

pero dahil ayaw ni claudia.. at wala akong makasama.. I stumbled upon Zai Sang Kaew, Lazing Kum Jali, and Roca... ang mga burmese friends ko...

bumuntot ako sa kanila hanggang bigla na lang akong nasa jeep papunta sa bahay nila... haha

pero una eh.. pumunta kaming Puregold para bumili ng pang-grocery nila... grabe.. umabot agad ng libo ang pinang-grocery nila.. kahit fruits at processed meat lang yun.. grabe... gets ko na tuloy kung pano mamuhay ng mag-isa...

but wait.. there's more!

nung nakapunta ako sa lugar nila.. dun ko talaga nafeel kung pano ang buhay ng mag-isa lang.. grabe...

their place was very messy... I can't describe.. you just have to get there to really understand it... basta imagine... a pad for drug dealers or something.. hahaha..

tatlo sila.. at hiwa-hiwalay ang rooms nila... at makikita mo talaga ang personalidad nila sa itsura ng room nila...

nauna ako sa room ni Jali Lazing... grabe.. puro bote ng hard liquor.. puro containers ng peanuts na puno ng upos ng sigarilyo.. puro mga ubos na kaha ng iba't ibang sigarilyo... kalat ang medyas... may desk.. at may desktop computer na may CRT monitor... at may kama sa sahig... madumi siya kung sa madumi.. pero di ako nandiri... sabi ko nga kila seng kaew "this place is very interesting, and just because I said interesting doesn't mean its beautiful"

pero yeah.. napansin ko.. I see the beauty in even the most ugliest things... or I dunno... sa mga circumstances pessimist ako eh.. pero pag sa visual stimulus and what not.. optimistic ako para makita ang taglay na beauty nito... or whatever..

anyway...

sumunod na kwartong binisita ko ay kay Roca... na di ko alam full name.. di kasing dumi ng room ni jali.. pero may isang malaking container siya ng dilis.. may bote siya ng jack daniel's.. marami siyang hygiene stuff.. may laptop siya.. ang dating bote ng wine eh ginawang lalagyan ng barya... at ang kama'y nasa sahig... mas neat ang room keysa kay jali.. walang upos ng sigarlyo kung saan saan... pero halatang room pa rin ng male college student..

nung napunta ako sa room ni seng kaew... its bigger than the other two.. and my gad.. its the most organized... grabe... parang di panlalaki... pero pansin naman sa personalidad niya.. na organisado siyang nilalang... walang alak.. walang upos ng yosi... pang normal na bahay...

they invited me for lunch.. nagluto sila ng asparagus something, itlog na maalat na may sibuyas, at squid... lahat ng linuto nila.. maanghang! grabeeeeeeeee... keber naman yung anghang.. di lang ako sanay...

naghanda na rin sila ng tig-iisang bote ng red horse... wala kasing tubig eh.. haha..

apat kaming may tig iisang bote ng red horse.. pero si jali.. may iba pang alak sa table eh.. di ko alam kung ano.. pero nakita ko 35% yung alcohol whatever... istreyt lang siya eh.. ankulet.. lahat ata ng mga alak sa kwarto niya eh... istrteyt na.. pang tunay na lalaki talaga..

kaya pagkatapos ng meal eh ambigat ng feeling ng tiyan ko.. satisfied? oo...

pagktapos naming kumain eh nagkaroon kami ng diskusyon ni seng kaew tungkol sa relihiyon at politics at kung ano ba talaga ang biggest mall sa buong mundo.. just what I love talking about... habang nanood ng porn si Roca sa laptop niya.. at nanood ng porn si Jali sa desktop PC niya.. kaya angweird.. kasi parang mature na usapan kami ni seng kaew.. tapos mga gawaing pang adolescent yung kasama namin...

matapos eh.. sumakay ako ng jeep papuntang sm sta mesa para makasakay ng lrt... and home sweet home...

tapos talo beda sa jru.. huhuhu

pero anyway.. my stay in the burmese people's house was quite fun... I'd like to go there once again...

2 comments:

Chii Buung! said...

buti masaya ang araw mo. haha.. kasabay ng happenings mo eh shit sa buhay ko. haha..

Lemon R said...

wow interesting burmese people... do they know how to speak Filipino? at ilang taon na ba sila?